Sa gabing pasado nang 17:00 nang ika-22 ng Setyembre ng 2023, balik nang lakad ako sa pizzeria rito sa Isla Lulu. Nagkokola lamang ako roon. May dalawang Hispanikong isang lalaki at isang babaeng nagkakastila roon. May dumalaw na mga Tsino at Bumbay. Ang mga tindera ay si Navjot at si Agaccha, parehong Taga-Indiya. Sa tabing pruteriya, isip nang isip ako kung bibili ako ng mga ubas na binong mukhang mga bluberi. Pero natikman ko na nga. Ilang beses ko nang tiningnan nitong mga araw.
Tag: Biology
-
Paniki
Sa maaraw na hapon nang ika-8 ng Setyembre ng 2023, nasa pizzeria rito sa Isla Lulu ako, sa mesa sa labas sa harapan ng bintana. May inuming kolang pangdiyeta ako. Naglalakwatsa. Ang tindero ngayon ay si Sachet na Taga-Indiya nang ilang oras na. Marami nang mga estudyante sa mga daan. Sa bahay, para sa hapunan, kumain ako ng luto ng kuya kong niretoke ng nanay: parang ulam na Birria na Mehikano. May mga moradong sirwelas din. Pinakita ko sa nanay ang seramikang platong Tsinong mukhang antigong may mga paniki sa dekorasyon. Karamihan ay puti na may mga bilog na asul na gilid at mga pulang paniki sa kabuuan. Bigay ng dating kapitbahay naming Kantones na si Alice at si Joe.
-
Buntot-buntot
Sa umaga rin nang ika-8 ng Setyembre ng 2023, lakad ako papuntang pizzeria rito sa Isla Lulu. Kumakain ako roon ng mga tsip na inihurnong patatas, at may kolang pangdiyeta ako. Nilagyan ko ng salsang Sriracha ang patatas. Walang masyadong mga kostumer. May isang nakasalaming muskuladong puting nakabughaw ang suot na kumakain ng pizza sa regular na sulok ko, kaya umupo na lamang ako sa sulok sa may bintana ngayon. Pag-uwi ko, dumaan ako sa eskinita sa parke. Sa aspalto’y may putol na mga buntot-buntot ng kabayo, yaong ligaw na halaman. Sa mga tabi rin ay mga berdeng enredaderang may mga puting bulaklak.