Multe antaŭ tagiĝo, mi trinkis enhejme du verdajn kaj flavajn plastajn botelojn da pira roksukera trinkaĵo el Guǎngzhōu. Estis la 8-an de majo de 2024, sur Lulu-insulo ĉi tie. Mi memoris Miĥaelon el Guǎngzhōu. Li estis tre inteligenta amiko, kun kiu mi ofte parolis en la kafejo Starbukso sur Lulu-insulo. Lia budaisma templo estis tiu sur la ŝoseo Steveston. Tien mi mem multe vizitis. Miĥaelo vizitis Filipinojn, Tajlandon, Iranon, Usonon, Latinamerikon, kaj aliajn landojn. Li ŝatis paroli pri la volupto. Li estis interesa ulo.
Tag: Cantonese
-
Maulap
Sa maulap na huli nang umaga nang ika-23 ng Setyembre ng 2023, lakad ako papuntang pizzeria rito sa Isla Lulu. Sa loob, tapos sa labas, ng pizzeria ako umupo. Kumakain ako ng mga tsip na inihurnong patatas na may ketsap at salsang Sriracha. May kolang pangdiyeta ako. Ang tindero ngayon ay si Simar, yaong matangkad na Taga-Indiya. Sa labas, may tumawid na blond na lalaki. Tapos, may tumawid na Tsinong may dalang plastikong sakong may tatlong malaking mapulang kamatis na galing sa pruteriya at isang nakabalot na sanwits na galing sa tabing sanwitseriya. Pag-uwi ko, nakita ko ang isang Tsinong lolong kumakanta sa parkeng eskinita habang naglalakad siya. Sinusubukan naming magsalita nang Mandarin at Kantones. Taga-Kantonya sa Tsina siya.
-
Buhangin
Mainit at maaraw ngayong ika-15 ng Setyembre ng 2023, at nasa pizzeria ako sa umaga at sa hapon. Sa umaga, nakita ko muli si Michael na Danes-Pranses. Pinag-uusapan namin ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa pook na sa kanya ay ebidensiya ng ekstraterestre. May mga bagong litrato siya sa kanyang ismartpon. Tanong niya sa akin, “Iniisip mo bang ekstraterestre?” Sagot ko, “Animista ako. Mapapaliwanag ng Animismo ang mga ekstraterestre.” Di masyadong alam ni Michael na parang Hapones ang pag-iisip ko. Tagakanluran siya. Sa hapon, nakita ko si Tharsan, yaong may-ari ng pizzeria at may lahing Taga-Sri Lanka. Kababakasyon sa Bahamas lamang daw niyang kasama ang gerlpren niyang may lahi ring Taga-Sri Lanka. Pumunta sila sa Bimini sa Bahamas at sa Miami. Puti raw ang buhangin sa aplaya. Sa ibang tema, iniisip ko ang lengguwaheng Koreano. Iniisip kong mas madali pang maakses ng Tagakanluran ang Oryente kung ginagamit ang Koreano, imbis na mas mahirap na Hapones o Tsinong parehong malimit ang sinograma. Madalas ang ponograma ng Koreano sa sariling sulat nila. Mas maigi pa. Ang mga sinograma ay resulta nang matagal na matagal na kaos na ebolusyon. Sa labas ng pizzeria, nakita kong nagbating tumawid si Chen, yaong tabatsoy na Tsinong mukhang sundalo.
-
Paniki
Sa maaraw na hapon nang ika-8 ng Setyembre ng 2023, nasa pizzeria rito sa Isla Lulu ako, sa mesa sa labas sa harapan ng bintana. May inuming kolang pangdiyeta ako. Naglalakwatsa. Ang tindero ngayon ay si Sachet na Taga-Indiya nang ilang oras na. Marami nang mga estudyante sa mga daan. Sa bahay, para sa hapunan, kumain ako ng luto ng kuya kong niretoke ng nanay: parang ulam na Birria na Mehikano. May mga moradong sirwelas din. Pinakita ko sa nanay ang seramikang platong Tsinong mukhang antigong may mga paniki sa dekorasyon. Karamihan ay puti na may mga bilog na asul na gilid at mga pulang paniki sa kabuuan. Bigay ng dating kapitbahay naming Kantones na si Alice at si Joe.