Nang maulap na umaga nang ika-20 ng Setyembre ng 2023, nasa Isla Lulung Istarbak ako para magtsaang itim na may yelo. Kumain ako roon ng baon kong hopyang ube. May dumalaw na dalawang guwapong lalaking isang nakaberde at isang nakaasul. Sa labas sa may mga puno at tindahan, nakaupo sa bangko ay si Michael na Danes-Pranses. Daan-daan na raw ang mga litrato at bidyo niya tungkol sa mga mahiwagang ilaw-ilaw sa pook na sa kanya ay ebidensiya ng ekstraterestre. Sabi niyang balak daw niyang dalhin ang mga ebidensiya sa Departamento ng Astronomiya sa unibersidad, UBC. Nabanggit ko kay Michael na noong isang araw, may nakita nga akong ilaw na mukhang mabilog na may mga matilos na taynga sa bahay sa eskinita. Pagdating ko naman sa tahanan ko, kinain ko ang natirang espesyang ispageting may hipon.
Tag: Hokkien
-
Buhangin
Mainit at maaraw ngayong ika-15 ng Setyembre ng 2023, at nasa pizzeria ako sa umaga at sa hapon. Sa umaga, nakita ko muli si Michael na Danes-Pranses. Pinag-uusapan namin ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa pook na sa kanya ay ebidensiya ng ekstraterestre. May mga bagong litrato siya sa kanyang ismartpon. Tanong niya sa akin, “Iniisip mo bang ekstraterestre?” Sagot ko, “Animista ako. Mapapaliwanag ng Animismo ang mga ekstraterestre.” Di masyadong alam ni Michael na parang Hapones ang pag-iisip ko. Tagakanluran siya. Sa hapon, nakita ko si Tharsan, yaong may-ari ng pizzeria at may lahing Taga-Sri Lanka. Kababakasyon sa Bahamas lamang daw niyang kasama ang gerlpren niyang may lahi ring Taga-Sri Lanka. Pumunta sila sa Bimini sa Bahamas at sa Miami. Puti raw ang buhangin sa aplaya. Sa ibang tema, iniisip ko ang lengguwaheng Koreano. Iniisip kong mas madali pang maakses ng Tagakanluran ang Oryente kung ginagamit ang Koreano, imbis na mas mahirap na Hapones o Tsinong parehong malimit ang sinograma. Madalas ang ponograma ng Koreano sa sariling sulat nila. Mas maigi pa. Ang mga sinograma ay resulta nang matagal na matagal na kaos na ebolusyon. Sa labas ng pizzeria, nakita kong nagbating tumawid si Chen, yaong tabatsoy na Tsinong mukhang sundalo.
-
Pinya
Pasadong alas 9 nang umaga nang ika-5 ng Setyembre ng 2023, lakad ako papuntang Istarbak dito sa Isla Lulu. Punong-puno na ang Istarbak nang tao dahil balik sa eskuwela ang mga estudyante. Pinindot ko ang butones para bumukas ang pinto. Lumabas muna yaong muskuladong naka kulay-abong mukhang militar na regular na kostumer. “Salamat!” ang sabi niyang may hawak na kape. “Ya!” ang sabi ko. Dahil wala nang maupuan, pumunta na lamang ako sa sanwitseriya para kumain ng sanwits na manok. May libreng kape. Lumabas na ako dahil masyadong malakas ang radyo roon. Umupo akong may kape sa bangko sa may mga puno sa tabi ng pruteriya at ibang tindahan. Tumawid ang isang Taywanesang lolang may salaming nagtratrabaho sa pruteriya. Sabi niya’y nagbakasyon daw siya sa Taiwan. “Sa Taipei ba?” ang tanong ko. Sabi ko, “Sa timog, may mga plantasyon ng pinya!” Nalibot ko na ang Taiwan nang Istritbyu. Alam kong may impluwensiya pa ang Hapones sa Taiwan dahil dating kolonya. Mandarin ang salita roon, pero may Hokkien din ng Intsik at iba pang mga wikang kinakabilangan din ng mga indihenong wikang may kaugnayan sa Tagalog, mga Awstronesyong wika. Yaong lumang bersiyon ng mga sinograma ang ginagamit pa sa Taiwan. Sa Tsina kontinental mismo, ang bagong bersiyon ng mga sinograma ang ginagamit.