Sa maaraw na umaga nang ika-18 ng Setyembre ng 2023, naroon ako sa Istarbak para kumain ng sanwits na salsitsas, kesong cheddar, at itlog nang may kasamang tsaang itim na may yelo. Naroon si Dennis na mestisong Tsino-Aleman. Dumating din si Marlin, yaong Pilipina. Dumating si Greg, yaong Pilipino, at binili niya ako ng mga tsip na mansanas. Kumakain siya ng keyk na saging na may kasamang kape sa seramikang tasa. Pinag-uusapan namin ang mga sistema ng pagsusulat ng iba-ibang etniko. Sabi kong ang maraming sistema ay inimbento ng mga misyonero. Ang mga itong sistema ay kinakabilangan ng Byetnames, Hokkien, Cree, Inuktitut, at iba pa. May mga nakaupo sa Istarbak na nagprapranses na parehong nakaberdeng dyaket. Sabi ko kay Greg na sa Canada, gusto ko ang Québec, at siya naman ay ang mga tatlong norteng teritoryong kinakabilangan ng Nunavut. Malimit niyang binabanggit ang Whitehorse.