Ingat po! Hilig ko ang guni-guni, biyahe, kalikasan, pagkain, at singkretismo.
Tag: Sci-fi
-
Martes Ba sa Marte?
Maulap sa umaga nang ika-13 ng Setyembre ng 2023. Sa aking tablet, binabasa ko ang Kastilang El eterno regreso a casa ni Ursula Le Guin, sa Istarbak dito sa Isla Lulu. Napupuna kong magaling ang isip ni Greg na Pilipino tungkol sa espasyo para sa isang relihiyoso. Pinag-usapan namin sa Istarbak ang mga kinabukasang misyong may tao papuntang planetang Marte. Sabi niyang mga “pitong buwan” ang papuntang Marte. Kung may tao, dapat talagang “malusog sa sikolohiya” ang dagdag ko. May mga planong magkakolonya ng tao sa Marte. Sang-ayon kami ni Greg na masyado yatang ambisyoso ang Marte para ngayon; sang-ayon kami ni Greg na dapat may kolonya muna sa Luna para masanay ang mga astronawta at mga dalubhasa. Nakita ni Greg ang aking asul na tisyort na may imahen ni Chewbacca sa harapan. Pareho kaming nakasuot nang dyaket na berdeng may pantakip sa ulo. Sang-ayon kaming ang mga prangkisang Star Wars at Star Trek ay talagang sikat pa ngayon. Sa ibang tema, binabasa na ni Greg daw ang binigay ko sa kanyang Koran, yaong kayumangging bilingguwal na Arabe-Ingles. Sang-ayon kaming parang pareho ang tono sa Bibliya. Sa Istarbak, dumalaw yaong muskuladong lalaking mukhang militar na nakakulay-abo. Regular na kostumer siya. May dumalaw ring magkapatid na lalaking binatang may itsurang kayumanggi ang balat. Di ko maunawaan kung anong lengguwahe ang ginagamit nila.
-
Chewbacca
Sa huli nang umaga nang ika-12 ng Setyembre ng 2023, kulay-abo pa ang langit at umambon nang kaunti. Suot ko sa labas ang aking berdeng mukhang militar na espasyong dyaket na may pantakip sa ulong nagmumukha akong monghe. Nakamaitim na kulay-abong korto ako. At suot ko ang asul kong tisyort na may Chewbacca nang nakatindig na may iskeytbord na imahen sa harapan. Lakad ako hanggang pizzeria. Ang musika sa pizzeria ngayon ay Country, hindi yaong madalas na Pop. Sa labas, sana’y Klasikal na musika ang naririnig ko. May kolang pangdiyeta ako. Binabasa ko ang Kastilang nobelang Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg sa mesa ko. May dumalaw na lalaking may itsurang mukhang Hispaniko o Arabe. Ang mga bisita namin ngayon sa bahay na si Tita Sony at ang anak niyang si Janette ay lumabas para kumain sa Cactus Club daw. Marami nang tao sa kotse. Taga-Ibaan sa Pilipinas sila.