Wikà

Viktor Nonong Medrano

☀ ☀
TAGALOG na Kuwento sa Ibáng Planeta: Sa malayong planeta, may dalawáng araw sa bugháw na langit, si Malakás at si Magandá. Nagtanóng ang isáng anák sa kanyáng iná, “Nanay, bakit may dalawáng araw sa langit?” Sabi ng iná, “O, anóng klaseng tanóng iyán? Ilán ang matá mo? Dalawá. Ilán ang kamáy mo? Dalawá.” Sumagót ang anák, “Pero, nanay, isá lamang hô ang ilóng ko…”

🌙 🌙
TAGALOG na Kuwento sa Ibáng Planeta: Sa malayong planeta, may dalawáng buwan sa gabíng langit, si Magaán at si Mabigát. Nagtanóng ang isáng anák sa kanyáng amá, “Tatay, bakit may dalawáng buwan sa langit?” Sabi ng amá, “O, anóng klaseng tanóng iyán? Ilán ang matá mo? Dalawá. Ilán ang kamáy mo? Dalawá.” Sumagót ang anák, “Pero, tatay, isá lamang hô ang ilóng ko…”

WIKÀ

Inglés ✪✪✪✪✪

Muláng nárserí sa Pilipinas, at tinulóy sa elementarya, hayskul, at unibersidád sa Kánada. Mahilig akó ng siyénsiyang piksiyón sa Inglés.

Tagalog ✪✪✪✪✪

Muláng sanggól akó sa Kamaynilaan sa Pilipinas. Pero galing Batangas ang pamilya ko.

Esperanto ✪✪✪✪

Muláng binatà akó nang dekadang 1980. Nagíng mas aktibo akó nang 1997.

Italyano ✪✪✪

Muláng pagkatapos nang mga 2000. Marunong akó nang raddoppiamento sintattico.

Portugés ✪✪✪

Muláng mga 2010. Carioca ng Brasíl ang aksento ko.

Pransés ✪✪✪

Muláng Gradong 5 nang 1976 sa Kánada. Tapos, tinulóy sa hayskul at koléhiyo. Parisyano ang aksento ko. Mahilig akó ng siyénsiyang piksiyón sa Pransés. Tatlóng beses na akó sa Paris, pero naratíng ko ang Montréal sa erport lamang.

Hapón ✪✪✪

Sariling pinag-aralan ko muláng binatà, tapos tinulóy sa unibersidád sa Kánada, tapos ginamit sa trabaho kong pangkompyuter sa Hapón nang dekadang 1990, tapos tuwâ sa ngayóng panunuod ko ng mga ánime at músikang bidyo.

Interlingua ✪✪✪

Mulâ nang mga 2003. Pangarap ko ang Blulandia.

Kastilà ✪✪✪

Sariling pinag-aralan ko muláng binatà. Tapos, tinulóy sa unibersidád sa Kánada. Mahilig akó ng siyénsiyang piksiyón sa Kastilà. Naratíng ko na ang Espanya at Méhiko. Sa Amérikang Latino ang aksento ko.

Lojban ✪✪

Ang intelektuwál sa akin ay pinápabóran itóng kulay-lilang Lojban, wikang may komprehensibong éstruktúrang métamodernísta, mulâ nang mga 2002.

Toki Pona ✪✪

Natagpô ko noóng mga 2002, tapos nitóng 2020 kong tinuluyan.

Náhuatl na Klásikó ✪✪

Mulâ noóng dekadang 1980 sa aklatán ng unibersidád sa Kánada. May mga plaka ng mga tulâ.

Maya ng Yukatán

Mulâ noóng bakasyón ko sa Cancún sa Méhiko nang 1992.

Guaraní

Interesado akó nang pagkatapos nang mga 2010.